Mani Pedi with free secret tsismis08:53 AM Saturday March 10, 2018 |

Yesterday I was really feeling sick. I had heaviness and intermittent pains on my shoulders, nape, back and head. I called two people, the masseuse who’s been coming here for more than 10 years. And Mary, the manikurista who used to work for a spa agency but now works independently after the company closed for business.

I very seldom have mani pedi / cleaning. Last night was my second for this year.

mani pedi,  Mary

Our appointment was supposed to be at 5:30 pm but she came at almost 9 pm. She said she came from New Manila. She was supposed to service two people but four more of their friends came over. She did not only do mani pedi but waxing too. I have never had waxing in my life so I asked how does that work. She said “mam para akong ob-gyne”. I was shocked that nakabukaka pala at kitang-kita ang loob-looban. Hindi naman kasi ako nagbi-bikini sa beach so never kong naisip na ganito pala ang preparation.

Mary waxing machine

She also waxed a couple. After the wife, came the husband. Ha? Men do that too? Call me ignoramus or naive but I didn’t know that men could be that vain too. Marie said she touched the husband’s scrambled eggs and hotdog assisted by his wife. That is just so weird. Mary said “Ewan ba mam, kung anung mga ginagawa ng mga mayayaman. Walang magawa sa pera nila”.

A—–“Magkano ba ang singil mo sa waxing? Pagbikini line lang P600, pag full P900”.
A—–“Bakit daw nagpa wax yung husband? Magbi-bikini rin sa beach?
Mary—-“Gusto nung wife. Sigaw nga ng sigaw yung lalaki na ang sakkkiiiit. Yung misis ang may gusto, mas ano daw mam…”
A—–“Mga bata pa ba ito?”
mary—–“Forty plus mam”.

Mary now earns almost 50,000 a month because every cent goes to her, no longer to the spa agency. In just three months, she was able to buy a brand new Yamaha motorbike. From 4 pm onwards, her husband would drive for her to and from her clients. With that added mobility she expects her earnings to go beyond 50k a month. “Hindi na ako mata-traffic mam”.

Mary—-“Mam, pasensya ka na nag-cancel ako nung isang linggo kasi hinimatay yung client ko, Pagdating ko sa bahay nila nagkakagulo sila. Hinimatay yung client ko hindi ko na sya na mani pedi at foot spa.
A—–“Anong nangyari sa kanya?”
Mary—-“Galit na galit mam dun sa asawa. Merong ibinahay sa the Fort, nadiskubre nya. Nagkakagulo silang mag-asawa nung dumating ako”.
A—–“Naku, pa’no nya nalaman?”
Mary—–“Sa cellphone mam. Nung natutulog yung husband nya binasa nya yung cellphone. Ang yaman nila mam 500 ang empleyado. Yung husband nya nagwi-withdraw ng 100,000 a week ibinibigay dun sa babae. Minsan kalahating milyon isang buwan. Hiwalay yung babae sa asawa meron silang tatlong anak”.
A—–“Hiwalayan na nya yung asawa nya”.
Mary—-“Umalis na nga sya mam pero humingi na pagkakataon yung lalaki, hihiwalayan na daw nya yung babae”.
A—–“Hindi mangyayari yun. Iwan na lang nya yung asawa nya”.
Mary—-“Sumisigaw nga si mam. Ang sabi, mambababae ka lang pangit pa at kasing tanda ko pa”.
A——“Bakit ilang taon na yung mistress?”
Mary—-“49, kaedad ni mam. Pero magaling daw mambola kay sir at magaling sa kama”.
A—–“Kawawa naman wife nya”.
Mary—–“Umiiyak nga mam. Ang ganda ganda nung client ko na yun. Nagpa-ayos ng ilong at nagpalagay ng boobs”.
A——:Kahit anong ganda nya kung ayaw na sa kanya ng asawa nya, hindi na uubra yung patangos ng ilong at palaki ng boobs. Iwan na lang nya asawa nya”.
Mary—-“Mahal daw nya mam”.
A——-“Hindi na sya mahal ng asawa nya kaya paalisin or iwan nya”.
Mary—–“Narinig ko nung sumisigaw sila, sabi ni sir “nagger ka kasi”.
Mary—–“Mam, ang laki-laki laki ng bahay nila, ang daming kwarto pero tig-isa sila ng kwarto ni sir at hindi na sila nag-uusap. Walong taon na silang walang do”.

A——-“Ganun talaga pagmatagal ng mag-asawa, ayaw na nila sa isa’t-isa kaya konting bagay lang nag-kaka-inisan na. Dapat maghiwalay na lang sila”.
Mary—–“Sabi ni mam hindi daw sila magka tyempo, pag gusto ni sir, ayaw nya, pag gusto nya, ayaw ni sir”.
Mary——“Kami nga rin parang magkapatid na lang. pag nangangalabit ang husband ko, tinutulugan ko na lang, pagod na ako mam sa dami ng clients ko. Kaya dapat mama pinag-uusapan muna, i-schedule”.
She’s smart. Kaya kayong mga matatagal ng mag-asawa kailangan talaga merong appointment. Mark your calendars, hanapin ang merong long weekend at dun na lang i-schedule. Magpa annual medical check-up muna at dental appointments para siguradong fit na fit.

Sometimes I am thinking maybe the masahistas and manikuristas that we let into our homes also tsismis us to their other clients. But I never share my life with them so maybe they make up their own stories based on their perceptions of who we are, what we do, and our intimate lives.
They get to see our toilets and bedrooms and see that we sleep on the same bed and we still talk to each other. I never had a waxing, and Edmund too.

A—–“mabuti naman Mary at nakapundar na kayo ng sasakyan. Yung husband mo ano ang dating trabaho?”
Mary—-“Driver mam sa Novaliches malapit lang sa amin”.
A——-“Nag-resign na sya?”
Mary—-“Ayaw mam syang payagan nung boss kasi napagkakatiwalaan na sya. Tatlong taon na sya dun. Inuutusan na sya sa bangko”.
Mary—-“Ano nga mam, sabi ko sa kanya ayusin nya yung trabaho nya. Matakaw sa babae yung amo nya. Baka madamay ang mister ko. Nagdadala sa motel ng iba-ibang babae kasi daw ang taba na nung misis nya. Tumaba na ng malaki, ang takaw kasi”.
A——-“Bakit hindi nya na lang hiwalayan yung misis nya kung ayaw na nya?”
Mary—-“Ang tawag nya sa misis nya Bebs parang Babes. Pero pag hindi mam nakaharap Babs ang tawag nya, parang baboy”.
A (oh my God).
Mary—-“Meron silang anak na handicap. Maraming nagsasabi swerte daw sa pera pag merong ganun. Kaya ang lakas ng negosyo nila mam”.
A——-“Swerte ba yung baboy ang tawag sa kanya ng asawa nya at iba-ibang babae ang dinadala sa motel. Nay ko”.

Mary—-“Mam pasensya ka na ha kasi nai-stress ako sa mga clients ko, sobrang magulo ang buhay nila”.
A——-“May kasamang tsismis ang mani pedi”.
Mary (laughs)—–“Kaya mam hindi ko sinasabi ang mga pangalan nila ayokong malaman ninyo, secret”.
A——“Yung si Wil____….?”
Mary (shocked) —–“Mammmmm, kilala nyo? Kaibigan nyo? Bakit alam nyo pangalan?”
A——“Naku hindi kami magkakilala. Sinabi mo sa akin ang buong pangalan, address at apelyido nya”.
Mary—–“Naku mam huwag nyong banggitin pagnakita mo sya”.
A——–“Oo naman. Pagnakita ko rin si Mrs. T_____ yung client mo sa Valle Verde na ang boyfriend ay si macho J______ yung model ng _____, hindi ko rin sasabihin”.
Mary—–“Ay naku mam, paano nyo nalaman ang mga pangalan nila?”
A—–“Sinabi mo secret”.

Comments

  1. Hahaha! Yun Auntie ko rin na manikurista dati, ganyan rin.
    Masarap daw kasi magkwentuhan while doing mani-pedi. Pati pagkain ng clients sa refrigerator may kwento rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.