There’s a guy taking a shower on stage08:15 AM Tuesday January 30, 2018 |

My idea of how the Chippendales show would be like was a la burlesque show. I thought there would be a lot of group dancing with the guys wearing pants and bow ties, dancing similar to the old fashioned vaudeville entertainment with clean fun, a little comedy, singing and dancing.

Well I guess Chippendales also qualifies as clean fun kasi the next scene was a gorgeous guy taking a shower in the middle of the stage. Hubo’t hubad sya pero nakatalikod. Syempre naked because he was taking a shower alangan naman naka briefs. Ang tambok ng pwet nya.

I was really shocked to see a guy taking a shower on stage. I felt cold. Ang ginaw nga sa labas kaya limang doble ang suot ko.
It was cold and windy on that day that’s why I doubled up. Not only doubled-up but I was wearing two sandos, one short thermal, one long thermal and the dark blue long sweater I bought that day. Plus I was carrying a fleece chaleco in case maginaw ako talaga. Ayokong mapulmonya.

Then Mister Universe’s here taking a shower.
The women were screaming every time the guy moved. When he trained the shower head on his behind, the women screamed louder like they didn’t care about tonsillitis.
They were jumping from their seats, para bang gustong akyatin yung lalaki sa stage, mga gigil na gigil. Ako naman, unaffected. Hellloo, I’ve seen a guy taking a shower before so what’s the big deal. Yun lang, naliligo lang yung lalaki eh nakatalikod naman. Bakit sila tili ng tili? Pag nakikita ko si Edmund nagsa-shower bakit hindi naman ako napapatili? Hello, yun lang, sobrang kilig na kilig na sila. Siguro mga wala pang asawa yung mga yun.

Eto na, tapos na si Mister Universe maligo. Hindi naman nagshampoo at hindi naman nagsabon.

Magpupunas na sya ng tuwalya. We could only see his wide shoulders, masel-masel and maumbok na pwet. Parang nanonood ako ng Mister Universe contest pero ito sa halip na nangingintab sa langis, naliligo at ngayon magpapahid na ng tuwalya.

Tuwing yung towel eh ipapahid nya sa pwet, sigawan na naman yung mga babae. nay ko, ano kaya nakaka-sigaw dun. Yun lang. Nagpapahid lang ng pwit. I don’t feel excited that way.

Yung bath towel eh itinatakip-takip nya sa kanyang bewang, tapos sa pwet, tapos sa likod, paikot-ikot. Tapos itinapis. Bigla syang humarap. He walked closer to the audience. When he faced the audience, nay ko grabe ang sigawan, parang concert ni Michael Jackson. Yes he was facing the audience eh nakatapis naman. Nakatakip yung hinaharap nya. Tapos inaalis-alis nya pero tatalikod haharap. Syempre ayaw naman talaga ipakita yung mga itlog nya. His last teaser was he was facing the audience then he quickly pulled the towel away from his body. All hell broke lose. But in split second AYYY the lights went off. Brown out! No one saw his vienna sausage. Disappointed ang mga babae, Ano kayo sinuswerte?

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.